“ ALLA-HUMMA RABBAS SAMA-WA-TIS SAB‘EY, WA RABBAL ‘ARSHIL ‘ATHEEM, KUN LEY JA-RAN MIN (banggitin ang pangalan ng tao) WA A’HZA-BIHI MIN ‘KHALA-IQIKA, AN YAFRUTA ‘ALAYYA A’HADUN MINHUM AW YA’T’GA, ‘AZZAJA-RUKA, WA JALLA’THANA-UKA, WALA-ILA-HA ILLA ANTA.” “O Allah! Panginoon ng pitong mga kalangitan, Panginoon ng Dakilang Luklukan, pagkalooban Mo ako ng tulong laban kay (banggitin ang pangalan ng tao) at ang kanyang mga katulong na nagmumula sa Iyong mga nilikha, na maaaring mayroon sa kanila ang makapahamak sa akin o di kaya ay gawan ako ng pagkakamali. Makapangyarihan ang Iyong pagtangkilik at kadakilaan sa Iyong mga kapurihan. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Iyo.”
“ ALLA-HU AKBAR, ALLA-HU A-‘AZZU MIN ‘KHALQIHI JAMI-‘AN, ALLA-HU A-‘AZZU MIMMA A’KHA-FU WA-A’H’THARU, A-‘U’THU BILLAHIL LA’THEE LA-ILA-HA-ILLA-HUWA, ALMUMSIKIS SAMA-WA-TIS SAB-‘EY AN YAQA-‘NA ‘ALAL AR’DI ILLA-BI-ETH-NIHI, MIN SHARRI ‘ABDIKA (banggitin ang pangalan ng tao). WA JUNU-DIHI WA-ATBA’IHI WA ASHYA-‘IHI, MINAL JINNI WAL-INSI. ALLA-HUMMA KUN LEY JA-RAN MIN SHARRIHIM, JALLA THANA-UKA WA-AZZA JA-RUKA, WATABA-RAKASMUKA, WALA-ILA-HA GHAYRUKA.” (Isaulo ito ng tatlong beses sa Arabik) “Ang Allah ay Dakila, Makapangyarihan ng Lubos kaysa lahat Niyang nilikha, Ang Allah ay mas Makapangyarihan kaysa sa mga taong kinatatakutan at kinasisindakan ko. Ako ay nagpapakupkop sa Allah, na sa Kanya’y walang ibang diyos maliban sa Kanya. Hawak Niya ang pitong mga kalangitan upang ito’y hindi malaglag sa daigdig maliban sa Kanyang kapahintulutan. (Ako ay nagpapakupkop sa Iyo, ya Allah) mula sa kasamaan ng Iyong alipin (banggitin ang pangalan ng tao) at sa mga katulong niya, kanyang mga tagasunod at tagatangkilik mula sa mga Jinn at tao. Ya Allah! Ikaw ang katulong ko laban sa kanilang kasamaan. Dakila sa Iyong mga kapurihan at Makapangyarihang lubos ang Iyong pagtangkilik. Kaluwalhatian sa Iyong Pangalan, walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Iyo.”