Panalangin sa Qunut sa dasal ng Witr.

1

“ALLAHUM-MAHDINI FI-MAN HADAYTA, WA-‘A-FI-NI FI-MAN ‘A-FAYTA, WATAWALLANI FI-MAN TAWALLAYTA, WABA-RIKLI FI-MA A-‘TAYTA, WAQINI SHARRAMA QA’DAYTA, FAINNAKA TAQ’DI WALA YUQ’DA ‘ALAYKA, INNAHU LA-YA’THELLUMAN WALAYTA,[WALA YA’IZZUMAN ‘A-DAYTA], TABA-RAKTA RABBANA WATA-‘A-LAYTA.” “O Allah! patnubayan Mo ako kasama sa mga taong Iyong binigyan ng gabay, at palakasin Mo ako kasama sa yaong Iyong pinagkalooban ng lakas. Ilagay ako sa Iyong pangangalaga kasama sa yaong Iyong pinangangalagaan. at pagpalain ako sa anumang bagay na Iyong ipinamimigay. Iligtas ako sa mga masasamang bagay na iyong Ini-uutos dahil katotohanan Ikaw ang nag-uutos at hindi utusan. Katunayan, siyang Iyong pinangalagaan ay kailanman hindi mapapahamak (at sa yaong Iyong itinuring na kaaway ay kalinman ay hindi makakalasap ng pagkadakila. Ikaw ang Ipinagpala, aming Panginoon ang Makapangyarihan.”

2

“ALLA-HUMMA INNI-A’U’THOBIRI’DA-KAMIN SA’KHATIK, WABIMU’A-FATIKA MIN ‘OQU-BATIK, WA A’U’THOBIKA MINKA, LA-O’HSEY ‘THANA-AN ‘ALAYK, ANTA KAMA A’THNAYTA ‘ALA NAFSIK.” “O Allah! Ako ay nagpapakupkop sa Iyong kaluguran mula sa Iyong galit at ako ay nagpapakupkop sa Iyong kapatawaran mula sa Iyong pagpaparusa at ako ay nagpapakupkopsa Iyo mula sa Iyo. Hindi ko kayang isalaysay ang Iyong mga kapurihan. Ikaw ay Ikaw, kung paano Mo pinuri ang Iyong Sarili.”

3

.“ALLA-HUMMA IYYA-KANA-‘BUD, WA LAKA NUSALLI WANASJUDO, WAILAYKA NAS-‘A WANA’HFIDU, NARJU RA’HMATAKA, WANA’KHSHA ‘A’THA-BAKA, INNA ‘A’THA-BAKA BILKA-FIREENA MUL’HAQ. ALLA-HUMMA INNA-NASTA’EENUKA, WA NASTAGH-FIRUKA, WANU’THNEE ‘ALAYKAL-KHAYR, WALA-NAKFURUKA, WANU-‘MINU BIKA, WANA’KH’DA’OLAKA WANA’KHLA’U MAN YAKFURUKA.” “O Allah! Ikaw lamang ang aming sinasamba at sa Iyo kami ay nagdarasal at nagpatirapa, Sa Iyo, kami ay nag-apura para sumamba at maglingkod [sa Iyo]. Kami ay umaasa sa Iyong mga pagpapala at natakot sa Iyong kaparusahan, katunayan ang Iyong parusa ay para sa mga di-nanampalataya. O Allah! inaasam namin ang Iyong tulong at kapatawaran, at Ikaw ay aming pinuri ng lahat ng kabutihan at (kailanman) hindi kami tatanggi ng paniniwala sa Iyo at kami ay naniwala at nananalig sa Iyo. Kami ay sumuko sa Iyo at tatanggihan namin ang sinumang hindi maniwala sa Iyo.”

Zaker copied