MGA PANALANGIN BAGO MATULOG

1

Ibuka at pagdikitin ang iyong mga palad, hihipan ito ng malumanay at pagkatapos ay isaulo ang Suratul Ikhlas, Al-Falaq at An-Nas: “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL HUWALLA-HU A’HAD. ALLA-HUS SAMAD, LAMIYALID WALAM YU-LAD, WALAM YAKULLAHU KUFUWAN A’HAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Allah, ang Walang Hanggan, ang Ganap, Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi Siya ipinanganak. At Siya ay walang katulad.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL A-‘UTHOUBIRABBIL FALAQ, MINSHARRIMA ‘KHALAQ, WAMIN SHARRI’GHA-SIQIN I’THA WAQAB , WAMIN SHARRIN-NAFFA-THA-TI FIL ‘OQAD, WAMIN SHARRI ‘HA-SIDIN I’THA ‘HASAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway. Laban sa kasamaan ng mga nilikhang bagay. Laban sa kasamaan ng kadiliman kung ito ay laganap. Laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa (ng karunungang itim). At laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa ng mainggitin kapag siya ay naninibugho.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL-A’UTHUBIRABBINNA-S, MALIKINNA-S, ILA-HIN NA-S, MIN SHARRILWASWA-SIL ‘KHANNA-S, ALLA’THE-YUWASWISUFI SUDU-RINNA-SI, MINAL JINNATI WANNA-S” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan. Ang Hari ng sangkatauhan. Ang Diyos ng sangkatauhan. Laban sa kasamaan ng bumubulong at lumalayo (matapos bumulong). Na nagbubulong sa mga puso ng sangkatauhan. (Sila ay) Mula sa mga Jinn at Tao (na naghihikayat sa kasamaan). “ (Isaulo ito ng tatlong beses sa Arabik) At pagkatapos ay ipunas ang iyong dalawang palad sa iyong katawan at mag-umpisa sa ulo, mukha at sa katawan ng tatlong beses.

2

“ALLA-HU LA-ILA-HA ILLA HUWAL ‘HAYYUL QAYYUMO LA-TA-‘KHU’THUHO SINATUN, WALA NAWMULLAHU MA-FISSAMA-WA-TI WAMA FIL AR’DHI, MAN ‘THALLA’THEE YASHFA’O ‘INDAHU ILLA BI-I’THNIHE, YA-‘LAMO MA-BAYNA AYDI-HIM, WAMA ‘KHALFAHUM WALA YU’HI-‘TU-NABISHAY-IN MIN ‘ILMIHI ILLA BIMA SHA-AWISI’A-KURSIYYU-HUSSAMA-WA-TI WAL AR’DHA, WALA YAU-DUHO ‘HIF’THUHUMA WAHUWAL ‘ALIYYUL ‘A’THEEM.” (Isaulo ito sa bawat Pagdarasal). “Siya ang Allah, walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Laging-Buhay, ang Al-Qayyum (Lubos sa Kasaganaan, Tagapagbiyaya ng Lahat atbp). Ang antok o idlip ay hindi maka-pangyayari sa Kanya. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino ba ang maaaring mamagitan sa Kanya malibang Kanyang pinahintulutan. Batid Niya ang nangyayari sa kanila (Kanyang nilikha) sa daigdig na ito at ang mangyayari sa kanila sa kabilang buhay at hindi kailanman nila maaarok ang anumang Kaalaman Niya maliban sa anumang Kanyang naisin. Ang Kanyang Dakilang Luklukan ay abot ang mga kalangitan at kalupaan. At hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pagpapanatili sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.”

3

Sinabi rin ng Propeta ص: Ang sinumang isaulo ang dalawang pinakahuling taludtod ng Surah Al-Baqarah sa gabi; ang dalawang talatang ito ay sapat na para sa kanya upang pangalagaan siya sa lahat ng masasamang bagay. (2:285)“A-MANAR RASULUBIMA UNZILA-ILAYHI MIN-RABBIHI WAL MU-‘MINU-NA, KULLON A-MANA BILLA-HI, WAMALA-IKATIHI, WAKUTUBIHI, WARUSOLIHI, LA-NUFARRIQO BAYNA A’HADIN MIN RUSOLIHI, WAQA-LO SAMI-‘NA, WA ATA-‘NA GHUFRA-NAKA RABBANA, WAILAYKAL MASEER. (2:286) LA-YUKALLIFULLA-HU NAFSAN ILLA-WUS-‘AHA, LAHA-MA-KASABAT WA ‘ALAYHA MAKTASABAT. RABBANA LA-TUA-‘KHI’DHNA INNASEYNA AW A’KHTA-‘NA, RABBANA WALA TA’HMIL ‘ALAYNA ISSRAN KAMA ‘HAMALTAHU ‘ALALLA’THEENA MIN QABLINA, RABBANA WALA TU’HAMMILNA MA-LA-‘TA QATALANA-BIHI, WA-‘FU-‘ANNA WAGHFIRLANA WAR’HAMNA, ANTAMAWLA-NA FANSURNA ‘ALAL QAWMIL KA-FIREEN.” “(2:285) Ang Sugo (na si Muhammad) ay naniniwala sa ipinadala sa kanya mula sa Kanyang Panginoon, at (gayon din) ang mga mana-nampalataya. Ang bawat isa ay naniniwala sa Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, at sa Kanyang mga Sugo. At sila’y nagsasabi: “Hindi kami nagbibigay ng pagtatangi-tangi sa Kanyang mga Sugo. At sila’y nagsasabi: ‘Narinig namin at kami ay tumalima. (Hinahangad namin ang) Iyong Kapatawaran, o aming Panginoon, at sa Iyo ang pagbabalik (ng lahat).” (2:286) Ang Allah ay hindi nagbibigay sa tao ng pasaning higit sa kanyang makayanan. Makakamtan niya ang bawat mabuting kanyang pinagsumikapan, at pagdurusahan niya ang kasamaang kanyang nagawa. (Manalangin) “O aming Panginoon! Huwag kaming parusahan kung kami’y makalimot o mahulog sa kamalian. O aming Panginoon! Huwag ibigay sa amin ang pasanin katulad ng Iyong ibinigay sa mga nauna sa amin. O aming Panginoon! Huwag ibigay sa amin ang pasaning higit sa aming makakayanan. Patawarin kami at igawad sa amin ang Kapatawaran, Maawa sa amin. Ikaw (O Allah) ang aming Maula (Tagapagtanggol at Tagatangkilik), at ibigay sa amin ang tagumpay laban sa mga di-nananampalataya”.

4

“BISMIKA RABBI WA’DA-‘TO JAMBI, WABIKA ARFA-‘UHO, FAIN AMSAKTA NAFSI FAR’HAMHA, WAIN ARSALTAHA FA’H-FA’TH HA, BIMA TA’HFA’THUBIHI ‘IBA-DAKAS SA-LIHEEN.” “Sa Iyong Pangalan aking Panginoon, ako ay nahiga, at sa Iyong Pangalan ako ay bumangon, kaya kung gusto Mong kunin ang aking kaluluwa ay pagkalooban ito ng habag at kung ibabalik Mo aking kaluluwa ay pangalagaan ito kahalintulad ng pangangalagang ipinagkaloob Mo sa Iyong mga matutuwid na tagapaglingkod.

5

ALLAHUMMA INNAKA ‘KHALAQTA NAFSI WA ANTA TAWAFFA-HA, LAKA MAMA-TUHA WAMA’HYA-HA, IN-A’HYAYTAHA FA’HFA’TH-HA, WA-IN AMATTAHA FAGHFIRLAHA. ALLA-HUMMA INNI AS-ALOKAL ‘A-FIYAH.” “O Allah! katotohanan, Iyong nilikha ang aking kaluluwa at Ikaw ang babawi dito. Sa Iyo ang kamatayan at pagkabuhay nito. Kung papanatilihin Mo ito upang mabuhay ay pangalagaan ito at kung ito ay babawian Mo ng buhay ay patawarin ito. O Allah! hinihiling ko sa Iyo na ako’y pagkalooban ng kalusugan.”

6

ALLAHUMMA-QINEY ‘A’THA-BAKA YAWMA TAB-‘ATHU ‘IBA-DAKA. (Isaulo ng tatlong beses sa Arabik) “O Allah! iligtas Mo ako mula sa Iyong mga kaparusahan sa araw na Iyong bubuhaying muli ang Iyong mga alipin”.

7

“BISMIKA ALLAHUMMA AMU-TO WA A’HYA.” “Sa Pangalan Mo O Allah! ako ay nabuhay at namatay.”

8

“ALLAHUMMA RABBAS SAMA-WA-TIS SAB-‘EY, WA RABBAL ‘ARSHIL ‘A’THEEM, RABBANA WA RABBA KULLI SHAY-IN, FA-LIQAL’HABBI WAN-NAWA, WAMUNAZ ZILAT-TAWRA-TI WAL INJEELI, WAL FURQA-N. A-‘U’THUBIKA MIN SHARRI KULLI SHAY-IN ANTA A-‘KHI’THUN-BINA-SIYATIHI. ALLAHUMMA ANTAL AWWALO FALAYSA QABLAKA SHAY-‘ON, WA-ANTAL A-‘KHIRO FALAYSA BA-‘DAKA SHAY-‘ON, WA ANTA’-THA-HIRO FALAYSA FAWQAKA SHAY-‘ON, WA-ANTAL BA-‘TINO FALAYSA DU-NAKA SHAY-‘ON, IQ’DI ‘ANNAD DAYNA WA-AGHNINA MINAL FAQRI.” “O Allah! Panginoon ng pitong mga kalangitan at Panginoon ng Dakilang Luklukan (‘Arsh), ang aming Panginoon at Panginoon ng lahat ng bagay, Tagabiyak ng buto ng palmera, at Tagapahayag ng Taurah (kay Propeta Moises ص) at Ebanghelyo (kay Propeta Hesus ص) at Furqan (Kor’an kay Propeta Muhammad ص). Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng lahat ng bagay na sila’y Iyong dadaklutin sa kanilang mga noo . O Allah! Ikaw and Una kaya walang anumang bagay na nauna sa Iyo at Ikaw ang Huli na walang bagay na pinakahuli sa Iyo. Ikaw ang Ath-Tha-hir kaya walang bagay na mangingibabaw sa Iyo. Ikaw ang Baatin kaya walang mas malapit sa Iyo. Alisin para sa amin ang aming mga pagkakautang at payamanin kami laban sa kahirapan.”

9

“SUBHANALLA-HI (33X), AL’HAMDU-LILLA-HI (33X), WALLA-HU AKBAR (34X).” “Kaluwalhatian sa Allah (33 beses), Ang lahat ng pagpupuri ay para sa Allah (lamang) (33 beses), Ang Allah ay Dakila (34 beses).”

10

“AL’HAMDULILLA-HIL LA’THEE A’T-‘AMANA WASAQA-NA, WAKAFA-NA, WA-A-WA-NA, FAKAM MIMMAN LA KA-FIYALAHU WALA MU-‘WIYA.” “Ang lahat ng papuri ay para sa Allah, na Siyang nagpapakain at nagbibigay sa amin ng inumin at Siya ay sapat na para sa amin at kami’y Kanyang bigyan ng matitirahan, dahil ilan ang naririyan na walang (katiyakang) panustos at walang matitirahan.”

11

“ALLAHUMMA ‘A-LIMAL GHAYBI WAS-SHAHA-DATI FA-‘TIRAS SAMA-WA-TIWAL AR’DI, RABBA KULLI SHAY-IN WA-MALI-KAHU, ASH-HADU ALLA-ILA-HA ILLA-ANTA, A’U-THUBIKA MIN SHARRI NAFSI WAMIN SHARRIS SHAY’TA-NI WA-SHARAKIHI, WA-AN-AQTARIFA ‘ALA NAFSEY SU-AN, AW AJURRAHO ILA MUSLIMIN.” “O Allah! (Lubos na) Nakababatid sa mga bagay na nakalingid at nakalantad, Tagapaglikha ng mga kalangitan at kalupaan, Panginoon at Nagmamay-ari ng lahat ng bagay. Ako ay sumasaksi na walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo. Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking sarili at mula sa mga kasamaan ng shirk at Shaytan, at mula sa mga pagkakamaling aking nagawa laban sa aking sarili o magiging sanhi na makapagdudulot ng kapinsalaan sa ibang mga Muslim.”

12

Ang Propeta ay hindi matutulog hangga’t hindi niya maisaulo (sa Arabik) ang Surah As-Sajdah (Kor’an: Kabanata 32) at Surah Al-Mulk (Kor’an: Kabanata 67). “

13

Bago pumunta sa iyong higaan ay magsagawa ng wu’dho, mahiga ng patagalid sa kanan at bigkasin ito: “ALLAHUMMA ASLAMTO NAFSI ILAYK, WA FAWWA’DTO AMRI ILAYK, WA WAJJAHTO WAJHI ILAYK, WA-ALJA-‘TO ‘THAHREY ILAYK, RAGHBATAN WARAHHBATAN ILAYK, LA-MALJA’A WALA MANJA MINKA ILLA ILAYKA. A-MANTO BIKITA-BIKAL LLA’THEE ANZALTA WABINABIYYIKAL LA’THEE ARSALTA.” “O Allah! isinuko ko ang aking sarili sa Iyo at ipinagkaloob sa Iyo ang anumang pangyayari sa aking sarili. At ibinaling ang aking mukha sa Iyo, ako ay ganap na nananalig sa Iyo, umaasa at may pagkatakot sa Iyo. Katunayan walang makakanlungan maliban sa Iyo. Ako ay naniwala sa (Banal na) Aklat na Iyong ipinahayag at sa Propetang Iyong isinugo.

Zaker copied