PAGGUNITANG IDADALANGIN SA HAPON: “ALLA-HU LA-ILA-HA ILLA HUWAL ‘HAYYUL QAYYUMO LA-TA-‘KHU’DOHO SINATUN, WALA NAWMULLAHU MA-FISSAMAWA-TI WAMA FIL AR’DHI, MAN ‘THALLA’THEE YASHFA’O ‘INDAHU ILLA BI-I’THNIHE, YA-‘LAMO MA-BAYNA AYDI-HIM, WAMA ‘KHALFAHOM WALA YU’HI-‘TO-NABISHAY-IN MIN ‘ILMIHI ILLA BIMA SHA-AWISI’A-KURSIYYUHUSSAMAWA-TI WAL AR’DHA, WALA YAU-DUHO ‘HIF’THOHUMA WA HUWAL ‘ALIYYUL ‘A’THEEM.” “Siya ang Allah, walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Laging-Buhay, ang Al-Qayyum (Lubos sa Kasaganaan, Tagapagbiyaya ng Lahat atbp). Ang antok o idlip ay hindi makapangyayari sa Kanya. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino ba ang maaaring mamagitan sa Kanya malibang Kanyang pinahintulutan. Batid Niya ang nangyayari sa kanila (Kanyang nilikha) sa daigdig na ito at ang mangyayari sa kanila sa kabilang buhay at hindi kailanman nila maaarok ang anumang Kaalaman Niya maliban sa anumang Kanyang naisin. Ang Kanyang Kursi (Dakilang Luklukan) ay abot ang mga kalangitan at kalupaan. At hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pagpapanatili sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.”
“BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL HUWALLA-HU A’HAD. ALLA-HUS SAMAD, LAMIYALID WALAM YU-LAD, WALAM YAKULLAHU KUFUWAN A’HAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Allah, ang Walang Hanggan, ang Ganap, Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi Siya ipinanganak. At Siya ay walang katulad.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL A-‘UTHOBIRABBIL FALAQ, MINSHARRIMA ‘KHALAQ, WAMIN SHARRI’GHA-SIQIN I’THA WAQAB , WAMIN SHARRIN-NAFFA-THA-TI FIL ‘OQAD, WAMIN SHARRI ‘HA-SIDIN I’THA ‘HASAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway. Laban sa kasamaan ng mga nilikhang bagay. Laban sa kasamaan ng kadiliman kung ito ay laganap. Laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa (ng karunungang itim). At laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa ng mainggitin kapag siya ay naninibugho.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL-A’UTHOBIRABBINNA-S, MALIKINNA-S, ILA-HIN NA-S, MIN SHARRILWASWA-SIL ‘KHANNA-S, ALLA’THE-YUWASWISUFI SUDU-RINNA-SI, MINAL JINNATI WANNA-S” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan. Ang Hari ng sangkatauhan. Ang Diyos ng sangkatauhan. Laban sa kasamaan ng bumubulong at lumalayo (matapos bumulong). Na nagbubulong sa mga puso ng sangkatauhan. (Sila ay) Mula sa mga Jinn at Tao (na naghihikayat sa kasamaan). “ (Isaulo ito ng tatlong beses sa Arabik).
PAGGUNITANG IDADALANGIN SA UMAGA: “ASBA’HNA WA-ASBA’HAL MULKO LILLA-HI, WAL’HAMDULILLA-HI, LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMDU, WAHUWA ‘ALA KOLLI SHAY-IN QADEER. RABBI AS-ALOKA ‘KHAYRAMA FI HA-‘THEHILYAWMI, WA ‘KHAYRAMA BA-‘ADAHA. WA-A-‘U’THOBIKA MIN SHARRI-MA-FE HA-‘THAL YAWMI, WASHARRIMA BA-‘ADAHA, A’THOBIKA MINAL KASLI, WA-SU-IL KIBARI, RABBI A-‘UTHOBIKA MIN ‘A’THA-BIN FIN NA-RI, WA-‘A’THA-BIN FIL QABRI.” “Narating namin ang panibagong araw , at ang lahat ng ito ay napapaloob sa Kapamahalaan at Kapurihan ng Allah . Walang (diyos na) may karapatan upang sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa. Walang katambal. Sa Kanya ang Pagmamay-ari ng Pamamahala at Kapurihan. Siya ang may Kakayahan sa lahat ng bagay. Ya Rabbi, hinihiling ko sa iyo ang mga kabutihan ng araw na ito at ang mga kabutihang susundan nito , at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaang nilalaman ng araw na ito at sa mga kasamaang susundan nito. Ya Rabbi, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa katamaran at pagka-ulianin. Ya Rabbi, ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng Apoy (Impiyerno) at mga kaparusahan ng libingan.”
ALLAHUMMABIKA ASBA’HNA WABIKA AMSAYNA, WABIKA NA’HYA, WABIKA NAMUTO, WAILAYKAN NOSHUR.” “Ya Allah, dahil sa Iyong kapahintulutan ay inabot namin ang umaga at mula sa Iyong kapahintulutan ay narating namin ang gabi at mula sa Iyong kapahintulutan kami ay nabuhay at mamamatay at sa Iyo ang aming pagkabuhay ng muli.”
“ALLAHUMMA ANTA RABBI LA-ILA-HA ILLA-ANTA, ‘KHALAQTANI WA ANA ‘ABDUKA, WA ANA ‘ALA ‘AHHDIKA, WA WA-‘DIKA MASTATA-‘TU. A’U’THOBIKA MIN SHARRIMA SANA-‘TU, ABU-OLAKA BINI-‘MATIKA ‘ALAYYA, WA-ABU-O BI’THAMBI, FAGHFIRLI FAINNAHU LA-YAGHFIRUTH-THONU-BA ILLA ANTA.” “O Allah, Ikaw ang aking Panginoon, walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo. Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kung gagawin sa abot ng aking makayanan. Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa. Tinatanggap ko ang Iyong biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala, kaya patawarin ako, dahil katotohanan, walang makapagbibigay ng kapatawaran maliban sa Iyo.”
“ALLAHUMMA INNI ASBA’HTO, USH-HIDUKA WA-USH-HIDU’HAMALATA ‘ARSHIKA, WA MALA-IKATAKA, WA JAMI-‘A-’KHALQIKA, ANNAKA ANTALLA-HU, LA-ILA-HA ILLA-ANTA, WA’HDAKA LA-SHARI-KALAKA, WA ANNA MUHAMMADAN ‘ABDUKA WARASU-LUKA.” “Ya Allah, katotohanan inabot ko ang panibagong umaga at nananawagan sa Iyo, at sa mga namamahala sa Iyong Dakilang Luklukan, sa Iyong mga Anghel at sa lahat Mong nilikha upang sumaksi na katotohanan, Ikaw ang Allah, walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo ng nag-iisa, walang katambal at si Muhammad ay iyong alipin at Sugo (apat na beses idalangin ito sa Arabik).”
“ALLAHUMMA-MA ASBA’HA BI MIN NI-‘MATIN AW BI-A’HADIN MIN ‘KHALQIKA FAMINKA WA’HDAKA LA-SHARI-KALAKA,FALAKAL ‘HAMDU WALAKAS SHOKRU” “O Allah, Anumang pagpapala ang natanggap ko o alinman sa Iyong mga nilikha ay sa Iyo lamang nanggaling, wala kang katambal kaya sa Iyo nararapat ang lahat ng puri at pasasalamat.”
“ALLAHUMMA ‘A-FINI FI-BADANEY, ALLAHUMMA ‘A-FINI FI-SAM-‘EY, ALLAHUMMA ‘A-FINI FI BASAREY. LA-ILA-HA ILLA ANTA. ALLA-HUMMAINNI A-‘O’THUBIKA MINAL KUFR WAL FAQRI, WA-A-‘O’THUBIKA MIN ‘A’THA-BIL QABRI, LA-ILA-HA ILLA ANTA. (Isaulo ng tatlong beses sa Arabik).” “Ya Allah, pagkalooban ng kalusugan ang aking katawan, Ya Allah, pangalagaan ang aking pandinig. Ya Allah, pangalagaan ang aking paningin. Walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo. Ya Allah, ako ay nagpapakupkop sa Iyo ng dahil sa pagkawalang-paniniwala at kahirapan at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan sa libingan. Walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo.”
’HASBIYALLA-HU LA-ILA-HA ILLA-HUWA ‘ALAYHI TAWAKKALTU, WAHUWARABBAL-‘ARSHIL ‘A’THEEM. (Isaulo ng pitong beses sa Arabik) “Ang Allah ay sapat na para sa akin, walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Kanya. Sa Kanya ko ipinaubaya ang aking tiwala at Siya ang Panginoon ng Dakilang Luklukan.”
ALLAHUMMAINNI AS-ALOKAL ‘AFWA WAL ‘A-FIYATA FID DUNYA WAL A-‘KHIRAH. ALLA-HUMMA INNI AS-ALUKAL ‘AFWA WAL ‘A-FIYATA FI-DI-NEY WA DUNYA-YA WA AHHLI, WAMA-LEY. ALLA-HUMMASTOR ‘AWRATEY, WA A-MIN RAW-‘ATEY. ALLA-HUMMA’H-FA’THNI MIN BAYNI YADAYYA, WAMIN ‘KHALFI, WA ‘AN YAMI-NEY, WA ‘AN SHIMA-LEY, WA MIN FAWQEY. WA A’U’THUBI ‘A’THAMATIKA AN UGHTA-LA MIN TA’HTI.” “O Allah, hinihiling ko ang Iyong kapatawaran at (pagkalooban ako ng) kagandahang-buhay dito sa lupa at sa kabilang buhay. Ya Allah, hinihiling ko ang Iyong kapatawaran at pangangalaga sa aking relihiyon sa aking mga makamundong hangarin, sa aking pamilya at kayamanan. Ya Allah, pagtakpan ang aking mga kahinaan at kahihiyan. Ya Allah, alagaan ako mula sa aking harapan at likuran at mula sa aking kanan at kaliwa at sa itaas. Ako ay nagpapakupkop sa Iyong Kadakilaan sa mga nakamamatay na nagmumula sa ilalim.”
“ALLA-HUMMA ‘A-LIMIL ‘GAYBI WAS-SHA-DATI, FA-‘TIRAS-SAMA-WA-TIWAL AR’DI, RABBA KULLI SHAY-IN WAMALI-KAHU. ASH-HADU ANLA-ILA-HA ILLA ANTA, A’U’THUBIKA MIN SHARRI NAFSI, WAMIN SHARRIS-SHAY’TA-NI WASHIRKIHI. WA-AN AQTARIFA ‘ALA NAFSI-SU-AN, AW-AJURRAHU ILA –MUSLIMIN.” “O Allah, ang Lubos na nakababatid sa mga (bagay na) nakalingid at nakalantad, Tagalikha ng mga kalangitan at kalupaan, Panginoon at Nagmamay-ari ng lahat ng bagay. Ako ay sumasaksi na walang (diyos na) may karapatang sambahin maliban sa Iyo. Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking kaluluwa at mula sa kasamaan ng Shaytan at ng kanyang mga pagtatambal (shirk), at mula sa mga pagkakamaling nagagawa na laban sa aking kaluluwa o mapanagutan ng kapwa Muslim.”
“BISMILLA-HIL LA’THEE LA-YA’DURRO MA-‘ASMIHI SHAY-ON FIL-AR’DI WALA FIS SAMA-I WAHUWAS-SAMI-‘UL ‘ALEEM.” (Banggitin ng tatlong beses sa Arabic) “Sa Ngalan ng Allah, na sa Kanyang pangalan ay walang mapipinsalang bagay dito sa lupa o sa mga kalangitan at Siya ang Lubos na Nakakarinig at Lubos na Nakababatid.”
“RA’DEYTO BILLA-HI RABBAN, WABIL ISLA-MI DI-NAN, WABIMU’HAMMADIN (sallallahu ‘alihi wa sallam) NABIYYAN.” (Banggitin ng tatlong beses sa Arabic) “Ikinalulugod ko na Allah ang (aking) Panginoon at Islam ang aking relihiyon at si Muhammad bilang Propeta.”
“YA ‘HAYYU, YA QAYYUMU BIRA’HMATIKA ASTA’GHIY’THO ASLI’H LI SHA-‘NI KOLLAHU WALA TAKILNI ILA NAFSI ‘TARFATA ‘AYNIN.” “O Lalagi ng Buhay! (‘Hayyu), O Walang-Katapusan! (Qayyum) sa pamamagitan ng Iyong habag, hinihiling ko ang Iyong tulong upang ituwid ang lahat kung gawa at huwag ipaubaya sa akin ang pamamahala sa aking sarili ng kahit man kisap mata.”
“ASBA’HNA WA-ASBA’HAL MULKOLILLA-HI RABBIL ‘A-LAMEEN. ALLAHUMMA INNI AS-ALOKA ‘KHAYRA HA-‘THAL YAWM, FAT-’HAHU, WANASRAHU, WANURAHU, WA BARAKATAHU, WA HUDA-HU, WA-A-‘U’THUBIKA MIN SHARRIMA FI-HI, WA SHARRIMA BA-‘DAHU.” “Naabot namin ang umaga at nagising sa Dakilang Kapangyarihan ng Allah, Panginoon ng mga daigdig. O Allah! hinihiling ko ang kabutihang napapaloob sa araw na ito , ang pagwawagi at tagumpay nito, ang ilaw at mga pagpapala at patnubay nito. Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kasamaang napapaloob sa araw na ito at mga kasamaang kasunod nito.”
“ASBA’HNA ‘ALA FI’TRATIL ISLA-AMI, WA-‘ALA KALIMATIL I’KHLAS, WA-‘ALA DEENI NABIYYINA MU’HAMMADIN (sallalla-hu ‘alayhi wa sallam)) WA-‘ALA MILLATI ABI-NA IBRAAHEEMA, ‘HANI-FAN MUSLIMAN WAMA KA-NA MINAL MUSHRIKEEN.” “Kami ay nagising sa fitratil (relihiyon ng) Islam, at sa salita ng I’khlas (Kadalisayan ng Panananampalataya [Shaha-dah]), at sa relihiyon ng ating Propeta Muhammad ص , at sa relihiyon ng ama nating Ibrahem (Abraham), na siya ay makatotohanan (sa pagsamba sa Allah) at Muslimat hindi kasama sa mga nagtatambal (sa Allah ص).
“SUB’HA-NALLA-HI WA BI’HAMDIHI” (isaulo ito ng isang daan beses). “Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang lahat ng Papuri.”
“LA-ILA-HA ILLALLAHU WA’HADAHU LA SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMDU WA HUWA ‘ALA KULLI SHAY-‘IN QADEER.” “Walang diyos maliban sa Allah ng Nag-iisa, Siya ay walang katambal. Sa Kanyang pagmamay-ari ang kamahalan at sa Kanya ang lahat ng kapurihan at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay,” (isaulo sa Arabik ng sampung beses o di kaya ay minsan lang para mawala ang katamaran.)
“LA-ILA-HA ILLALLAHU WA’HDAHU LA SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMDU WA HUWA ‘ALA KOLLI SHAY-‘IN QADEER.” “Walang diyos maliban sa Allah ng Nag-iisa, Siya ay walang katambal. Sa Kanyang pagmamay-ari ang kamahalan at sa Kanya ang lahat ng kapurihan. Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay,” (Isaulo ito ng isang daan beses sa Arabik pagkagising sa umaga).“
“SUBHA-NALLA-HI WA BI’HAMDIHI: ‘ADADA ‘KHALQIHI, WARI’DA NAFSIHI, WAZINATA ‘ARSHIHI, WA MIDA-DA KALIMATIHI.” (banggitin ng tatlong beses sa Arabik kapag bumangon sa umaga) “Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang lahat ng papuri: Sa dami ng bilang ng Kanyang mga nilikha, at sa Kanyang kaluguran, at sa bigat ng Kanyang Trono (Dakilang Luklukan) at lawak (ng naisulat) ng Kanyang mga Salita.”
“ALLAHUMMA INNI AS-ALUKA ‘ILMAN NA-FI’AN, WA RIZQAN ‘TAYYIBAN, WA ‘AMILA MUTAQABBALAN.” (Banggitin sa Arabik kapag bumangon sa umaga). “O Allah! hinihilingin ko sa Iyo upang ako’y pagkalooban Mo ng kaalamang makapagbibigay sa akin ng benipisyo, at mula sa Iyong mga magagandang biyaya, at mga gawaing katanggap-tanggap.”
“ASTA’GHFIRULLA-HA WA ATUBO ILAYH” (Isaulo ito sa araw ng isang daan beses sa Arabik) “Hinihiling ko ang kapatawaran ng Allah at ako ay nagsisisi sa Kanya.”
“ALLAHUMMA SALLI WA SALLIM ‘ALA NABIYYINA MU’HAMMAD.” (Banggitin sa Arabik ng sampung beses) “O Allah, hinihiling namin ang Iyong kapayapaan at pagpapala ay mapasa aming Propeta Muhammad.”