Sinabi ni Jabir bin Abdullah : “Ang Propeta ay malimit ipayo sa amin upang hilingin ang payo ng Allah sa lahat ng bagay, ganoon din na malimit niyang ituro sa amin ang Surah mula sa Kor’an. Kanyang sinabi: “Sa panahon na ang isa sa inyo ay may mahalagang pangangailangan upang bigyan ito ng pasiya, ay hayaan siyang magdasal ng dalawang rak’at maliban sa mga itinakdang pagdarasal, at pagkatapos ay banggitin ang: ALLAHUMMA INNI ASTA’KHI-ROKA BI-‘ILMIKA, WA ASTAQDIRUKA BI QADRIKA, WA AS-ALOKA MIN FA’DLIKAL ‘A’THEEMI, FAINNAKA TAQDIRO WALA AQDIRO, WATA-‘LAMO WALA A-‘LAMU. WA ANTA ‘ALLA-MUL ‘GHUYUBI. ALLAHUMMA INKONTA TA-‘LAMO ANNA HA-‘THAL AMRA [banggitin mo ang iyong hangarin] ‘KHAYROLLI FI DI-NEY WA MA‘A-SHEY, WA ‘A-QIBATI AMREY, [o di kaya ay banggitin mo ang] – ‘A-JILIHI WA A-JILIHI. FAQDURHULEY, WAYASSIRHULEY, THUMMA BA-RIKLEY FI-HI. WAINKUNTA TA-‘LAMO ANNA HA-‘THAL AMRA SHARROLEY FI-DI-NEY, WA MA‘A-SHEY, WA-‘A-QIBATI AMREY, ‘A-JILIHI WA A-JILIHI, FASRIFHU ‘ANNI, WASRIFNI-‘ANHU, WAQDIRLIL ‘KHAYRA ‘HAYTHU KA-NA ‘THUMMA AR’DINEY BIHI.” “Ya Allah, hinihiling ko ang Iyong payo sa pamamagitan ng Iyong kaalaman, at sa pamamagitan ng Iyong Kapangyarihan ay hinahangad ko ang lakas at hinihilngi ko mula sa Iyong walang hangang kagandahang-loob dahil katotohanan Ikaw ang may Kakayahan at ako ay wala, Ikaw ang Lubos na nakaka-alam sa mga bagay na nakalingid. Ya Allah, kung alam mo ang pangyayaring ito (banggitin mo ang iyong hinahangad) na makabubuti sa akin ayon sa kaugnayan nito sa aking relihiyon, buhay at katapusan, ay kung maaari ay ipagkaloob Mo sa akin sa lalong madaling panahon, at pagpalain ako sa pamamagitan nito.At kung sa akala Mo ay hindi makabubuti sa akin ang hangaring ito at sa aking relihiyon, buhay at katapusan, ay kung maaari ay alisin (o ilayo) Mo sa akin at ako’y ilayo mo sa kanya. At ipagkaloob Mo sa akin ang anumang kabutihan at makamit ang anumang kasiyahang maipagkakaloob nito.” Ang sinumang maghangad ng gabay mula sa Tagapaglikha ay hindi mgsisisi at sinumang humingi ng payo sa kanyang kapwa manananampalataya ay magiging matatag sa kanyang magiging pasiya. Sinabi ng Allah swt: “At sumangguni sa kanila tungkol sa (anumang) gawain. At kung nagkaroon ka na ng [matatag na] pagpapasiya ay ipaubaya ang iyong tiwala sa Allah.”