Mga ‘Thekr pagkatapos ng Tasleem.

1

“ASTAGHFIRULLAH (3X), ALLAHUMMA ANTAS SALAM, WA MINKAS SALAM, TABA-RAKTA YA-‘THAL JALA-LI WAL IKRAM.” “Patawarin Mo ako, ya Allah (3x), Ya Allah, Ikaw ang Kapayapaan at sa Iyo nanggaling ang kapayapaan, Ikaw ang pinagpala at Ang (May Hawak ng) Kamahalan at Kapurihan.”

2

LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHOL ‘HAMDU, WA HUWA ‘ALA KOLLI SHAY-IN QADEER, ALLA-HUMMALA MA-NI’A LIMA A’-TAYTA, WALA MO-‘TIYA LIMA MANA-‘ATA, WALA YANFA’O ‘THAL JADDIMINKAL JADDO.” “Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa, walang katambal, sa Kanya ang pagmamay-ari ng Kamahalan at Siya ang Puri, at Siya ay may Kakayahan sa lahat ng bagay. Ya Allah, walang makakapigil sa mga bagay na iyong ipagkakaloob at walang makapagbibigay sa anumang bagay na Iyong pinigilan. At ang lakas ng isang taong malakas ay hindi makapagbibigay sa kanya ng silbi laban sa Iyo.”

3

LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHOL ‘HAMDU, WA HUWA ‘ALA KOLLI SHAY-IN QADEER, LA-‘HAWLA WALA QUWWATA-ILLA BILLAH. LA-ILA-HA ILLALLAH, WALA- NA-‘BUDO ILLA-IYYAH, LAHU NI-‘MATO WALAHUL FA’DLO, WALAHU’THTHANA UL’HASAN, LA-ILA-HA ILLALLAHU MU’KHLISI-NALAHUD DEENA WALAW KARIHAL KA-FIRUN.” “Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa, walang katambal, sa Kanya ang pagmamay-ari ng Kamahalan at Siya ang Puri, at Siya ang may Kakayahan sa lahat ng bagay. Walang lakas o kapangyarihan maliban sa Allah. Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at wala kaming sinasamba maliban sa Kanya. Kanya ang lahat ng pabor, biyaya at dakilang pagpupuri. Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah at taus-puso ang aming pananampalataya sa Kanya bagama’t kinamumuhian ng mga di-nananampalataya (sa Islam).”

4

SUB’HA-NALLAHI, WAL’HAMDULILLA-HI, WALLA-HU AKBAR (33 X) LA-ILA-HA ILLALLAHU WA’HDAHU, LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMDU, WAHUWA ‘ALA KULLI SHAY’IN QADEER.” “Kaluwalhatian sa Allah, Ang lahat ng Pagpupuri ay para sa Allah at ang Allah ang Dakila (33 beses).” “Walang (diyos na) karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa, at walang pagtatambal. Sa Kanya ang Pagmamay-ari ng Kamahalan at Kapurihan at Siya ang may Kakayahan sa lahat ng bagay.”

5

“BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL HUWALLA-HU A’HAD. ALLA-HUS SAMAD, LAMIYALID WALAM YU-LAD, WALAM YAKULLAHU KUFUWAN A’HAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Allah, ang Walang Hanggan, ang Ganap, Sandigan ng lahat. Hindi Siya nagka-anak at hindi Siya ipinanganak. At Siya ay walang katulad.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL A-‘UTHOBIRABBIL FALAQ, MINSHARRIMA ‘KHALAQ, WAMIN SHARRI’GHA-SIQIN I’THA WAQAB , WAMIN SHARRIN-NAFFA-THA-TI FIL ‘OQAD, WAMIN SHARRI ‘HA-SIDIN I’THA ‘HASAD.” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway. Laban sa kasamaan ng mga nilikhang bagay. Laban sa kasamaan ng kadiliman kung ito ay laganap. Laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa (ng karunungang itim). At laban sa kasamaan ng mga nagsasagawa ng mainggitin kapag siya ay naninibugho.” “BISMILLA-HIR RA’HMA-NIR RA’HEEM, QUL-A’UTHOBIRABBINNA-S, MALIKINNA-S, ILA-HIN NA-S, MIN SHARRILWASWA-SIL ‘KHANNA-S, ALLA’THE-YUWASWISUFI SUDU-RINNA-SI, MINAL JINNATI WANNA-S” “Sa Ngalan ng Allah, Ang Mapagpala, Ang Mahabagin. Ipahayag! Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan. Ang Hari ng sangkatauhan. Ang Diyos ng sangkatauhan. Laban sa kasamaan ng bumubulong at lumalayo (matapos bumulong). Na nagbubulong sa mga puso ng sangkatauhan. (Sila ay) Mula sa mga Jinn at Tao (na naghihikayat sa kasamaan). “ (Ang mga kabanatang ito ay dapat maisaulo sa wikang Arabik pagkatapos ng bawat pagdarasal. Pagkatapos ng dasal sa maghrib at fajr ay dapat na ring maisaulo ang mga kabanatang ito ng tatlong beses sa bawat surah.)

6

“ALLA-HU LA-ILA-HA ILLA HUWAL ‘HAYYUL QAYYUMO LA-TA-‘KHU’DOHO SINATUN, WALA NAWMULLAHU MA-FISSAMAWA-TI WAMA FIL AR’DHI, MAN ‘THALLA’THEE YASHFA’O ‘INDAHU ILLA BI-I’THNIHE, YA-‘LAMO MA-BAYNA AYDI-HIM, WAMA ‘KHALFAHOM WALA YU’HI-‘TO-NABISHAY-IN MIN ‘ILMIHI ILLA BIMA SHA-AWISI’A-KURSIYYUHUSSAMAWA-TI WAL AR’DHA, WALA YAU-DUHO ‘HIF’THOHUMA WAHUWAL ‘ALIYYUL ‘A’THEEM.” (Isaulo ito sa bawat Pagdarasal). “Siya ang Allah, walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya, ang Laging-Buhay, ang Al-Qayyum (Lubos sa Kasaganaan, Tagapagbiyaya ng Lahat atbp). Ang antok o idlip ay hindi makapangyayari sa Kanya. Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mga kalangitan at kalupaan. Sino ba ang maaaring makapamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan. Batid Niya ang nangyayari sa kanila (Kanyang nilikha) sa daigdig na ito at ang mangyayari sa kanila sa kabilang buhay at hindi kailanman nila maaarok ang anumang Kaalaman Niya maliban s anumang naisin Niya. Ang Kanyang Kursi (Trono o Dakilang Luklukan) ay abot ang mga kalangitan at kalupaan. At hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pagpapanatili sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila.”

7

“LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, LA SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMD, YU’HYI WAYUMEETO, WAHUWA ‘ALA-KULLI SHAY-‘IN QADEER.” “Walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa at walang katambal. Sa Kanyang pag-aari ang Kamahalan at Puri. Siya ang nagbibigay ng buhay at kamatayan at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay. (ito ay isaulo ng sampung beses pagkatapos ng dasal sa Maghrib at Fajr.)”

8

“ALLAHUMMA-INNI AS-ALOKA ‘ILMAN NA-FI’AN, WARIZQAN ‘TAYYIBAN, WA ‘AMALA MUTAQABBALAN.” (ito ay dapat banggitin pagkatapos ng salam sa salatul fajr.) “Ya Allah, ako ay humihiling sa Iyo ng kaalamang makapagdudulot sa akin ng benipisyo at magandang biyaya at mga gawaing katanggap-tanggap.”

Zaker copied