Mga Panalangin pagkatapos ng huling tashahhud at bago mag tasleem.

1

“ ALLAHUMMA INNI A’UTHOBIKA MIN ‘ATHA-BIL QABR[I] WAMIN ATHA-BI JAHANNAM[A], WAMIN FITNATIL MA’HYA WAL MAMA-T[I], WAMIN SHARRI FITNATIL MASEE’HID DAJJAL.” “O Allah! ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan ng libingan, mula sa mga paghihirap sa Apoy (ng Impiyerno), mula sa mga pagsubok at pagdurusa ng buhay at [pagdurusa] sa kamatayan at mula sa mga kasamaan ng mga pagsubok ng Al-Maseeh Ad-Dajjal (Bulaang Kristo).”

2

“ ALLA-HUMMA INNI A’OTHOBIKA MIN ‘ATHA-BIL QABR[I], WA A’OTHOBIKA MIN FITNATIL MASEE’HID DAJJA-L, WA A’OTHOBIKA MIN FITNATIL MA’HYA WAL MAMA-TI. ALLA-HUMMA INNI A’OTHOBIKA MINAL MA’ATHAMI MINAL MAGHRAM.” “O Allah! ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga kaparusahan sa libingan, at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga tukso at pagsubok ng Al-Maseeh Ad-Dajjal, at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga pagsubok at paghihirap ng buhay at [mga pagdurusa] sa kamatayan. O Allah! ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga pagkakasala at mga pagkakautang.”

3

“ ALLA-HUMMA INNI ‘THALAMTU NAFSI THULMAN KATHEERAN, WALA YAGHFIRU-THTHONUBA ILLA ANT[A], FAGHFIRLI MAGHFIRATAN MIN ‘INDIKA WAR’HAMNI INNAKA ANTALGAFUROR RA’HEEMO. “O Allah! inapi ko ang aking sarili ng isang malaking pang-aapi at walang makakapagpatawad maliban sa Iyo, kaya patawarin ako at kahabagan [Mo] ako. Katotohanan, Ikaw ang Lubos na Mapagpatawad at Lubos na Maawain.”

4

“ALLA-HUMMAGFIRLI MA QADDAMTU, WAMA A’KHKHARTO, WAMA ASRARTO, WAMA A’ALANTO, WAMA ASRAFTO, WAMA ANTA A’ALAMO BIHI MINNI, ANTAL MUQADDIMO, WA ANTAL MUAKHKHIRO, LA-ILA-HA ILLA ANTA.” “O Allah! patawarin ako sa aking mga naipadala kung (pagkakasalang) una sa akin at sa mga naiwanan ko (pagkakasala sa mga panahon pang darating), at sa mga nagawa kong lihim lalung-lalo na ang mga [gawaing] nakalantad, at sa mga [gawaing] pagmamalabis [o kabulagsakan] at sa aking mga gawaing labis ang Iyong kaalaman (kaysa akin), Ikaw ang Al-Muqaddim [Pinakauna] at Al-Mua’khkhir [Pinakahuli]. Walang may karapatan upang sambahin liban sa Iyo.”

5

“ALLA-HUMMA A’INNI ‘ALA ‘THEKRIKA WASHUKRIKA WA’HUSNI ‘IBA-DATIKA” “O Allah! tulungan Mo ako para gunitain ka, at pasalamatan Ka, at maisagawa sa pinakamabuting pamamaraan ang pagsamba sa Iyo.”

6

“ALLA-HUMMA INNI A’UTHOBIKA MINAL BUKHLI, WA A’UTHOBIKA MINAL JOBN[I], WA A’UTHOBIKA MIN AN ORADDA ILA ARTHALIL ‘OMRI, WA A’UTHOBIKA MIN FITNATID DUNYA WA ‘ATHA-BIL QABRI.” “O Allah! ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa pagkaramot at kahinaan ng loob (pagka-duwag), at ako ay nagpapakupkop sa Iyo na [sa aking pagtanda o sa panahon ng aking mga kahinaan ay] hindi ko makamit ang kahirapan ng buhay, at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa mga pagsubok sa mundong ito at mga kaparusahan sa libingan.”

7

“ALLA-HUMMA INNI AS-ALOKAL JANNATA WA A’UTHOBIKA MINAN NA-RI.” “O Allah! hinihiling ko sa Iyo na ipagkaloob sa akin ang Paraiso at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa [mga kaparusahan ng] Apoy [ng Impiyerno].

8

“ALLA-HUMMA BI’ILMIKAL GHAYBI WAQODRATIKA ‘ALAL ‘KHALQI A’HYINI MA ‘ALIMTAL ‘HAYA-TA ‘KHAYRAN LI, WATAWWAFFANI ITHA-‘ALIMTAL WAFA-TAN ‘KHAYRANLI. ALLA-HUMMA INNI AS-ALOKA ‘KHASHYATIKA FIL GHAYBI WAS-SHAHA-DATI, WAS ALOKA KALIMAL ‘HAQQI FIR RIDA WAL GHADABI. WAS ALOKAL QASDA FIL GHANEY WAL FAQRI, WA AS-ALOKA NA’EEMAN LA YAMFADO, WA AS-ALOKA QURRATA ‘AYNIN LA TANQATI’O, WA AS-ALOKAR RIDA BA’ADAL QA’DAI, WA AS-ALOKA BARDAL ‘AYSHI BA’ADAL MAWTI, WA AS-ALOKA LATHTHATAN NATHARI ILA WAJHIKA WASSHAWQA ILA LIQA-IKA FI GHAYRI ‘DARRA-A MU’DIRRATIN WALA FITNATIN MO’DILLATIN, ALLA-HUMMAZ ZAYYINNA BIZEYNATIL EYMA-NI WAJ-‘ALNA HUDA-TAN MUHTADI-NA. “O Allah! sa Iyong kaalaman sa mga hindi nakikita at sa Iyong kapangyarihang nangingibabaw sa lahat ng nilikha, buhayin Mo ako kung sa akala Mo ay makabubuti sa akin at bawian Mo ako (ng buhay) kung sa akala Mo ay makabubuti sa akin ang mamatay. O Allah! gawin akong matakutin sa Iyo maging lihim o lantad at hinihiling ko sa Iyo na ako ay magiging makatotohanan sa pananalita, sa panahon ng kasiyahan at pagkagalit. Hinihiling ko rin na maging mahinahon sa panahon ng pagkayaman at kahirapan (karalitaan) at hinihiling ko rin sa Iyo na pagkalooban ako ng pagpapalang walang hanggan at kasiyahang walang-tigil. Hinihiling ko sa Iyong maging kalugog-lugod sa Iyong mga kautusan at magkaroon ng maluwag na pamumuhay bago sumapit ang kamatayan. Hinihiling ko sa Iyo ang kagandahang tumingin sa Iyong mukha at pinapangarap kong makatagpo kita sa pamamaraang hindi makapagdudulot ng kalamidad na maaaring makapanakit o di kaya ay pagsubok na magiging sanhi ng pagkawatak-watak. O Allah! gandahan Mo ako mula sa mga kagandahan ng pananampalataya at ibilang kami sa mga namamatnubay at matuwid na napatnubayan.”

9

“ALLAHUMMA INNI AS-ALOKA YA ALLAHO BI-ANNAKAL WA-‘HIDOL A’HADOS SAMAD[0] ALLATHEE LAMYALED WALAM YULAD WALAM YAKULLAHO KUFUWAN A’HAD[UN], ANTAGHFIRALI THUNUBI INNAKA ANTAL GHAFU-RUR RA’HEEM.” “O Allah, hinihiling ko sa Iyo O Allah, dahil Ikaw ang Nag-iisa, Nag-iisang may Sariling Kakayahan at Sandigan ng Lahat [As-Samad], ang hindi nagka-anak o di kaya ay ipanganganak at sa Kanya ay walang makakatulad, patawarin ang aking mga pagkakasala, katotohanan Ikaw ang Lubos na Mapagpatawad, lubos na Maawain.”

10

“ALLAHUMMA INNI AS-ALOKA BI-ANNA LAKAL ‘HAMDU LA-ILA-HA ILLA ANTA WA’HDAKA LA-SHAREEKALAK AL-MANNA-NO YA BADE-’AS SAMA-WA-TIWAL AR’DI YA THAL JALA-LI WAL IKRA-MI YA ‘HAYYU YA QAYYUMO INNI AS-ALOKAL JANNATA WA A’UTHOBIKA MINAN NAARI.” “O Allah, sa Iyo, ako ay humiling dahil sa Iyo ang lahat ng papuri, walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo, ng nag-iisa, walang katambal. Ikaw ang Tagapagpala. O Tagalikha (Pinagmulan) ng mga Kalangitan at Kalupaan, Ang (May Hawak ng) Kamahalan at Kapurihan, (Ang may) Buhay (na walang hanggan), Nananatili sa Kanyang Sarili at Tagataguyod ng lahat. Katotohanan, hinihiling ko sa Iyo ang Paraiso at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa Apoy (ng Impiyerno).”

11

“ALLAHUMMA INNI- AS-ALOKA BIANNI ASH-HADU ANNAKA ANTALLA-HU LA-ILA-HA ILLA ANTAL-A’HADUS SAMADUL LA’THEE LAM YALED WALAMYU-LAD WALAM YAKULLAHU KUFUWAN A’HAD.” “O Allah, sa Iyo ako ay humiling, dahil ako ay sumasaksi na Ikaw ang Allah, walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo. Ang nag-iisang Samad , na hindi ipinanganak at hindi nagka-anak at sa Kanya ay walang katulad.”

Zaker copied