“SUB’HA-NA RABBIYAL A’LAA [tatlong beses sa Arabik] “Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan.”
“SUB’HANAKA ALLA-HUMMA RABBANA WABI’HAMDIKA, ALLA-HUMMAGFIRLI” “Kaluwalhatian sa Iyo, O Allah! aming Panginoon at sa Iyo ang kapurihan, O Allah! patawarin Mo ako. ”
“SUBBU-‘HON, QUDDUSON, RABBUL MALA-IKATI WAR-RU’HI.” “Kaluwalhatian (sa Iyo), (Ikaw ang) Pinakabanal, Panginoon ng mga Anghel at Espiritu (Gabriel).”
“ ALLAHUMMALAKA SAJADTO WABIKA A-MANTO WALAKA ASLAMTO, SAJADA WAJHIYA LILLA’THEE ‘KHALAQAHU WASAWWARAHU, WASHAQQA SAM-‘AHU WABA’SARAHU, TABA-RAKALLA-HU A’HSANUL ‘KHA-LIQEEN.” “ O Allah! sa Iyo, ako ay tumirapa, at sa Iyo, ako ay naniwala, at sa Iyo, ako ay sumuko. Nakasubsob ang aking mukha para sa Kanya na lumikha (rito) at nagbigay hubog (rito) at pagkalooban ng pandinig at paningin. Ang pagpapala ay sa Allah, ang Pinaka-Mahusay sa Paglilikha.”
“SUB’HA-NA THEEL JABARU-TI, WAL MALAKU-TI, WAL KIBRIYA-I, WAL ‘ATHAMATI “ “Kaluwalhatian sa Iyo, Panginoon ng ganap na Kapangyarihan, ng Pamamahala, ng Kadakilaan at ng Kamahalan.”
“ALLA-HUMMAGFIRLI ‘THAMBI KULLAHU, DIQQAHU WAJILLAHU, WA-AWWALAHU, WA A-KHIRUHO WA’ALA-NIYATUHO WASIRRAHU “ “O Allah, patawarin ang lahat kong mga pagkakasala, malaki man o maliit, ang pinakauna at pinakahuli at yaong mga nakalantad at nakalingid.”
“ALLA-HUMMA INNI A’U-THO BIRI’DA-KAMIN SA’KHATIK, WABI MO’A-FA-TIKA MIN ‘OQU-BATIK, WA A’UTHOBIKA MINK(A), LA - O’HSI THANA-AN ‘ALAYKA ANTA KAMA ATHNAYTA ‘ALA NAFSIK. “O Allah! ako ay nagpapakupkop sa Iyong kaluguran mula sa Iyong galit, at ako ay nagpapakupkop sa Iyong mga kapatawaran mula sa Iyong mga kaparusahan at ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa Iyo (Sarili). Hindi ko mabibilang ang Iyong mga kapurihan. Ikaw at Ikaw rin kung paano Mong pinuri ang Iyong Sarili.”