Panalangin sa umpisa ng Salah (Pagkatapos ng Takbeer [DUA’ ISTIFTAH]).

1

“ALLA-HU AKBARU KABI-RAN, ALLA-HU AKBARU KABI-RAN, ALLA-HU AKBARU KABI-RAN, WAL’HAMDULILLA-HI KATHI-RAN, WAL’HAMDU-LILLA-HI KATHI-RAN, WAL’HAMDU LILLA-HI KATHI-RAN, WASUB’HA-NALLA-HI BUKRATAN WA-ASILA, WASUB’HA-NALLA-HI BUKRATAN WA-ASILA, WASUB’HA-NALLA-HI BUKRATAN WA-ASILA, A’U’THOBILLA-HI MINAS SHAY’TA-NI MIN NAF’KHIHI WA NAF’THEHI WA HAMZIHI.” “Allah ang Pinakadakila, Allah ang Pinakadakila, Allah ang Pinakadakila, At purihin ang Allah ng marami, At purihin ang Allah ng marami, At purihin ang Allah ng Marami, At Kaluwalhatian sa Allah sa umaga at hapon (banggitin ng tatlong beses sa wikang Arabik). Ako ay nagpapakupkop sa Allah mula sa shaytan mula sa kanyang hininga at mula sa kanyang boses at mula sa kanyang mga bulong.”

2

“ALLA-HUMMA BA-‘ID BAYNI WABAYNA ‘KHATA-YA-YA KAMA BA-‘ADTA BAYNAL MASHRIQI WAL MA’GHRIBI, ALLA-HUMMA NAQQINI MIN ‘KHATA-YA-YA KAMA TUNAQQIT THAWBOL ABYA’DO MINAD DANASI. ALLA-HUMMA’GHSILNI MIN ‘KHATA-YA-YA BITH-THALJI WAL MA-I WALBARAD.” “O Allah! ilayo Mo ako mula sa aking mga pagkakasala kahalintulad ng paglayo Mo sa pagitan ng silangan at kanluran. O Allah! dalisayin ako sa aking mga pagkakasala kahalintulad ng pagdalisay sa isang maputing tela mula sa dumi, O Allah! linisin ang aking mga pagkakasala ng neyebe, tubig at yelo.”

3

“SUB’HA-NAKA ALLA-HUMMA WA BI’HAMDIKA, WATABA-RAKASMUKA WATA-‘A-LA JADDUKA WALA-ILA-HA ‘GHAYROKA.” “Sa Iyo ang kaluwalhatian, O Allah! at pagpupuri. At Ipinagpala ang Iyong pangalan, kataas-taasan sa Iyong karangalan at walang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo.”

4

“WAJJAHTU WAJJHIYA LILLATHEE FA’TARAS SAMAWA-TIWAL AR’DI ‘HANI-FAN WAMA ANA MINAL MUSHRIKEEN, INNASALA-TI, WANOSOKI, WAMA’HYA-YA, WAMAMA-TI LILLA-HI RABBIL ‘A-LAMEEN, LA SHARI-KALAHU WABITHA-LIKA UMIRTO WA-ANA MINAL MUSLIMEENA. ALLA-HUMMA ANTALMALIKO LA-ILA-HA ILLA ANTA. ANTA RABBI WA ANA ‘ABDUKA, THALAMTO NAFSI WA’ATARAFTO BITHAMBI FA’GHFIRLE THONUBI ILLA ANTA. WAHDINIL A’HSANIL ‘KHALQI LA YAHDIL A’HSANIHA ILLA-ANTA, WASRIF ‘ANNI SAYYI-AHA, LA-TASRIFO ‘ANNI SAYYI-AHA ILLA ANTA, LABBAYKA WASA’aDAYKA, WAL’KHAYRO KOLLOHO BIYADI-KA, WASHSHARRO LAYSA ILAYKA. ANA BIKA WAILAYKA TABA-RAKTA WATA’A-LAYTA ASTA’GHFIRUKA WA-ATUBO ILAYKA.” “(Taus-puso kong) Inihaharap ang aking mukha sa Kanya na lumikha sa mga kalangitan at kalupaan bilang tunay na nananampalataya at hindi kasama sa mga nagtatambal (ng iba sa Allah). Katunayan ang aking mga pagdarasal at pagpapahirap, ang aking buhay at aking kamatayan ay para sa Allah, ang Panginoon ng mga daigdig, sa Kanya ay walang katambal, At sa kadahilanang ito, ako ay napag-utusan at kasama ako sa mga taong sumunod. O Allah ang Taga-Pamahala, walang karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo. Ikaw ang aking Panginoon at ako ay Iyong alipin. Niligaw ko ang aking sariling kaluluwa at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala, kaya patawarin Mo ako sa lahat ng aking kasalanan, dahil walang ibang makapagbibigay ng kapatawaran maliban sa Iyo. Patnubayan ako sa mga mabubuting gawa dahil walang ibang makapag-bibigay (ng patnubay) dito maliban sa Iyo, at iligtas ako sa mga masasamang gawa dahil walang makapag-liligtas sa akin mula (sa mga kasamaan) nito maliban sa Iyo. Nandito akong tumutugon sa Iyong panawagan, at natutuwa na paglingkuran Ka. Ang lahat ng kabutihan ay nasa Iyong mga Kamay at ang kasamaan ay hindi magmumula sa Iyo. Ako ay nabuhay mula sa Iyong kagustuhan at (ako ay) babalik (na rin) sa Iyo. Kaluwalhatian sa Iyo at sa Iyong Kataas-taasan. Hinahangad ko ang Iyong kapatawaran at ang aking pagsisisi (sa aking mga kasalanan) sa Iyo.”

5

“ALLA-HUMMARABBI JIBRA-EELA, WA MIKA-EELA, WA ISRA-FEELA FA-‘TIRAS SAMAWA-TI WAL AR’DA, ‘A-LIMIL ‘GHAYBI WAS SHAHA-DATI ANTA YA’HKUMO BAYNA ‘EBA-DIKA FI-MA KA-NO FI-HI YA’KHTALIFUN. IHDINI LIMA’KHTULIFAFI-HI MINALHAQQI BI-I’THNIKA INNAKATAHDI MANTASHA-O-ILA ‘SIRA-‘TIM MUSTAQEEM.” “O Allah! Panginoon ni Jibrel (Gabriel), Mika-il at Israfeel. Tagapaglikha ng mga kalangitan at lupa, Nakababatid sa mga (bagay na) nakalantad at (mga bagay na) nakakubli. Ikaw ang Tagapamagitan sa pagitan ng Iyong mga alipin sa mga bagay na hindi nila napagkakaunawaan. Patnubayan Mo ako tungo sa kato-tohanang mayroong hindi pagka-unawaan mula sa Iyong kapahintulutan, katotohanan pina-patnubayan Mo ang sinumang Iyong naisin sa isang landasing matuwid.”

6

ALLA-HUMMALAKAL’HAMDU ANTA NURUS SAMA-WA-TIWAL AR’DHI WAMAN FI-HINNA, WALAKAL-’HAMDO ANTA QAYYIMOS SAMAWA-TI WAL-AR’DHI WAMAN FI-HINNA, [WALAKAL ’HAMDU ANTA RABBUS SAMAWATI-WAL-‘AR’DHI WAMAN FI-HINNA], ,[WALAKAL ‘HAMDU LAKA-MULKOS SAMA-WATI-WAL AR’DHI WAMA FI-HINNA], [WALAKAL ‘HAMDU ANTA MALIKOS SAMA WA-TIWAL AR’DI], [WALAKAL ‘HAMDU] [ANTAL ‘HAQQU WAWA’ADUKAL HAQQU, WAQAWLAKAL ‘HAQQU, WALIQA-UKAL ‘HAQQU, WAL JANNATU HAQQUN, WAN NA-RU ‘HAQQUN, WAN NABIYYU-NA ‘HAQQUN. WA MU’HAMMADUN RASULULLA-HI ‘HAQQUN, WAS SA-‘ATU ‘HAQQUN], [ALLA-HUMMA LAKA ASLAMTU WA’ALAYKA TAWAKKALTU, WABIKA A-MANTU, WAILAYKA ANABTU WABIKA ‘KHA-SAMTU, WAILAYKA ‘HA-KAMTU. FAGHFIRLI MA-QADDAMTO, WAMA A’KHKHARTU, WAMA ASRARTO, WAMA A’GHLANTU, ANTAL MUQADDAM , WA ANTAL MU’A’KHKHAR, LA-ILA-HA ILLA-ANTA, [ANTA ILAHI LA-ILA-HA ILLA ANTA].” “O Allah, sa Iyo ang lahat ng pagpupuri, Ikaw ang liwanag ng mga kalangitan at kalupaan at ang lahat ng nilalaman nito. At sa Iyo ang lahat ng puri, Ikaw ang tagapanustos ng mga kalangitan at kalupaan at ang lahat ng nilalaman nito. [Sa Iyo ang lahat ng puri, Ikaw ang Panginoon ng mga kalangitan at lupa at ang lahat ng nilalaman nito]. [Sa Iyo ang lahat ng puri. Sa Iyo ang pamamahala ng mga kalangitan at kalupaan at ang lahat ng nilalaman nito]. [Sa Iyo ang lahat ng puri. Ikaw ang Hari ng mga kalangitan at kalupaan]. [Sa Iyo ang lahat ng puri]. [Ikaw ang katotohanan, ang Iyong pangako ay totoo, ang Iyong Salita ay totoo, at ang Araw nating pagtatagpo ay totoo, ang Harden ng Paraiso ay totoo at ang Apoy (Impiyerno) ay totoo, at ang mga Propeta ay totoo, Si Muhammad sknk ay totoo at ang Huling Oras ay totoo]. [O Allah! sa Iyo ako ay sumuko at sa Iyo ako ay umaasa, at sa Iyo ako ay naniwala, at sa Iyo ako ay lumingon upang magsisi, at sa Iyo ako ay nakipagtalo, at sa Iyo ako ay lumingon para hatulan. Kaya patawarin Mo ako sa aking mga nagdaang pagkakasala at sa mga kasalanan kong darating, at sa anupamang aking inililingid at nailantad]. [Ikaw ang Al-Muqaddim (Ang-Una) at Al-Mua’khkhir (Ang Huli), walang may karapatang sambahin maliban sa Iyo], [Ikaw ang aking Diyos, walang may karapatang sambahin maliban sa Iyo].

Zaker copied