Ang babanggitin kapag narinig ang A’thaan (Ang panawagan sa pagdarasal).

1

“Dapat ulitin ang mga binabanggit ng muaththen (ang nananawagan sa pagdarasal) maliban kapag sinabi niya: “‘HAY ‘ALAS SALAT WA ‘HAY ‘ALAL FALA’H” “Halina’t Magdasal, Halina Sa Tagumpay” sa halip, dapat bigkasin ang: “LA-‘HAWLA WALA QUWWATAILLA-BILLAH” “Walang lakas o kapangyarihan maliban sa Allah.”

2

Pagkatapos banggitin ng mua’ththen ang “LA-ILAAHA ILLALLAH”., ay dapat banggitin ang; “WA ANA ASH-HADU ALLA-ILA-HA ILLA-LLAHO WA’HDAHO, LA-SHAREEKALAHU, WA ANNA MU’HAMMADAN ‘ABDUHO WARASU-LUHO, RA’DEYTO BILLA-HI RABBAN, WA BIMUHAMMADIN RASU-LAN, WABIL ISLA-MI DI-NAN.” “At ako ay sumasaksi na walang (diyos na) karapat-dapat sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa, walang katambal at si Muhammad ay Kanyang alipin at Sugo, ako ay masaya na Allah ang (aking) Panginoon at si Muhammad bilang Sugo at Islam ang (aking) relihiyon. (Banggitin ang panalanagin na ito sa wikang Arabik pagkatapos banggitin ng Mua’ththen ang LA-ILA-HA ILLALLAH).”

3

“ALLA-HUMMA RABBI HA-‘THEHID DA’AWATIT TA-MMATI WASSALA-TIL QA-IMATI A-TI MU’HAMMADAN, ALWASI-LATA WAL FA’DHI-LATA WAB’ATH-HO MAQA-MAN MA’HMUDAL LATHEE WA’ADTAHU, INNAKA LA TU’KHLIFOL MI-‘A-D. “O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at (Panginoon) nang (takdang oras ng) pagdarasal na isasagawa! Pagkalooban mo po si Muhammad ص ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya (sa Araw ng Paghuhukom) sa pinakamabuti at pinakamataas na pook sa Paraiso na Iyong ipinangako sa kanya, (katotohanan, Ikaw ay hindi tumatanggi sa Iyong mga pangako).”

4

Sa pagitan ng A’than at Iqamat ay kailangang manalangin sa Allah ص para sa iyong sarili. Ang panalangin sa ganitong oras ay hindi tinatanggihan.

5

“Pagkatapos, dapat magpadala ng mga panalangin para sa Propeta ص pagkatapos sagutin ang panawagan ng mua’ththen.

Zaker copied