Sinabi ng Sugo ng Allah ص : Sinuman ang banggitin ang: “SUB’HA-NALLA-HI WA BI’HAMDIHI (Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang (lahat ng) papuri) “ ng isang daang beses sa isang araw ay patatawarin siya sa kanyang mga kasalanan kahit ito ay kasingdami ng bula nang karagatan.”
Sinabi ng Sugo ng Allah ص : Sinumang banggitin ng sampung beses ang: “LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU LA SHARI-KALAHU, LAHUL MULKU, WA LAHUL ‘HAMDU, WA HUWA ‘ALA KULLI SHAY-IN QADEER” “Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah ng nag-iisa’t walang katambal, sa Kanya ang Pamamahala at Kapurihan, At Siya ay may Kakayahan sa lahat ng bagay.” Magsaulo ng sampung beses at pagkakalooban ng gantimpalang (parang) nakapagpalaya ng apat na alipin mula sa angkan ni Isma’il.”
Sinabi ng Sugo ng Allah ص : “Dalawang kataga na pinakamagaan sa dila, Mabigat sa timbangan, At pinakamamahal ng Al-Rahman (Ang Lubos na Mapagpala): “SUB’HA-NALLA-HI WA BI’HAMDIHI, SUB’HA-NALLA-HIL ‘A’THEEM.” “Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang lahat ng papuri. Kaluwalhatian sa Allah na Makapangyarihan.”
Sinabi ng Sugo ng Allah ص : Para sa kanya, ang banggitin ang: “SUB’HA-NALLA-HI WAL ‘HAMDULILLA-HI, WALA-ILA-HA ILLALLA-HU WALLA-HU AKBAR.” “Kaluwalhatian sa Allah at sa Kanya ang lahat ng Kapurihan, at walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah, at ang Allah ay Dakila.” ay pinakamamahal sa akin kaysa anumang sinikatan ng araw (sa buong Mundo).
Sinabi ng Sugo ng Allah ص : “Mayroon bang isa sa inyo ang walang kakayahang umani ng isang libong Hasanah (gantimpala) sa loob ng isang araw?“ Mayroong isa, mula sa pagtitipong iyon ang nagtanong, ‘Paano magkakaroon ang isa sa amin ng isang libong Hasanah?’ Kanyang sinabi, “Purihin ang Allah ng isang daang beses at maisusulat para sa iyo ang isang libong Hasanah, o di kaya ay buburahin para sa inyo ang isang libo mong kasalanan.”
Ang sinumang banggitin ang: “SUB’HA-NALLA-HIL ‘A’THEEMI WA BI’HAMDIHI.” “Kaluwalhatian sa Allah, Ang Maka-pangyarihan at sa Kanya ang lahat ng Kapurihan.” ay itatanim para sa kanya ang isang puno ng palmera sa Paraiso.
Sinabi ng Sugo ng Allah ص: “O Abdullah bin Qais! gusto mo bang ituro ko sa iyo ang isang kayamanang mula sa kayamanan ng Paraiso?” ang sabi ko “Oo Sugo ng Allah!. Sinabi niya: “Bigkasin ang: “LA ‘HAWLA WALA QUWWATA ILLA-BILLAH.” “Walang kapangyarihan at walang lakas maliban sa Allah.”
Sinabi ng Sugo ng Allah ص : Ang mga katagang pinakamamahal sa Allah ay apat, ito ang: “SUB’HA-NALLA-HI, WALHAMDULILLA-HI, WALA ILA-HA ILLALLA-HU, WALLA-HU-AKBAR” “Kaluwalhatian sa Allah at ang lahat ng Kapurihan ay para sa Allah at walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah at ang Allah ay Dakila.” Walang masama kahit saan ka mag-umpisa.
Isang Arabo ang nagpunta sa Sugo ng Allah ص at siya ay nagsabi, turuan mo ako ng salita na maaari kong banggitin, Sinabihan siya ng Propeta, banggitin ang; “LA ILA-HA ILLALLA-HU WAHDAHU LA SHARI-KALAHU, ALLAHU AKBARU KABI-RA, WA’LHAMDULILLA-HI KA’THEERA, SUB’HA-NALLA-HIRABBIL ’A-LAMIN, LA ‘HAULA WALA QUWWATA ILLA BILLA-HIL AZI-ZIL HAKEEM.” “Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah ng nag-iisa at walang katambal, Allah ang pinaka-Dakila at maraming mga pagpupuri sa Allah, Kaluwalhatian sa Allah, Panginoon ng mga daigdig, walang kapangyarihan at lakas maliban sa Allah ang Makapangyarihan at Maalam.” Kanyang sinabi, iyan ay sa aking Panginoon, paano ako? Sinabihan siya ng Propeta ﷺ, banggitin ang: “ALLA-HUMMAGFIRLI, WAR’HAMNI, WAHDINI, WARZUQNI.” “O Allah! patawarin ako, pagpalain ako, patnubayan ako at tustusan Mo ako.”
Sa tuwing may yumakap sa Islam ay tinuturuan siya ng Propeta ص kung paano magdasal, at inu-utusan niyang manalangin sa Allah ng ganitong mga salita: ALLA-HUMMAGH-FIRLI, WAR’HAMNI, WAHDINI, WA’A-FINI, WARZUQNI“ “O Allah! Patawarin ako, pagpalain ako, patnubayan ako, bigyan Mo ako ng kalusugan at Tustusan Mo ako.”
Ang pinakamagandang panalangin ay: “AL’HAMDULILLAH (Ang Papuri ay para sa Allah)” at ang pinakamabuting salita sa mga paggunita ay: “LA ILA-HA ILLA-LLAH (Walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah.”
Ang ibang mga gawaing mabuti na mananatili: “SUB’HANALLAH” (Kaluwalhatian sa Allah) “WAL’HAMDULILLAH” (Ang lahat ng papuri ay para sa Allah) “WALA-ILA-HA ILLA-LLAH” (Walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah) “WALLA-HU AKBAR” (At ang Allah ay Dakila) “WALA ‘HAWLA WALA QUWWATA ILLA-BILLAH” (Walang Kapangyarihan at walang Lakas maliban sa Allah)