Ang Istighfar at Taubat (Paghihingi ng kapatawaran)

1

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ : “Sa Allah, Hinihiling ko ang kapatawaran ng Allah at ako ay nagsisisi sa Kanya ng mahigit na pitumpung beses sa isang araw.”

2

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ : “O Sangkatauhan! Magsisi sa Allah, dahil katotohanan, ako ay nagsisisi sa Kanya ng isang daang beses sa isang araw.”

3

Sinabi ng Sugo ng Allah ص : Ang sinumang banggitin ang: “ASTA’GHFIRULLA-HAL ‘A’THI-MAL LA’THEE LA ILA-HA ILLA HUWAL ‘HAYYUL QAYYU-MU WA ATUBU ILAYHI.” “Hinahangad ko ang kapatawaran ng Makapangyarihang Allah, na sa Kanya’y walang ibang diyos maliban sa Kanya. Ang Buhay na Buhay, ang walang Hanggan at sa Kanya ako’y nagsisi.” Siya’y patatawarin ng Allah kahit siya’y tumakas sa hanay ng Hukbo.

4

Sinabi ng Sugo ng Allah ص : “Ang pinakamalapit na lumalapit ang Panginoon sa Kanyang mga alipin ay sa pinakahuling bahagi ng gabi, Kaya kung kaya mong maging kasama sa mga gumugunita sa Allah sa oras na ito ay gawin mo“

5

Sinabi ng Propeta ص: “Ang pinakamalapit na makakalapit ang alipin sa kanyang Panginoon ay sa panahon na siya ay nakatirapa sa pagdarasal, kaya manalangin ng marami (habang nakatirapa).”

6

Sinabi ng Sugo ng Allah ص: “Napakabigat na bagay sa aking puso kung hindi ako makapaghingi ng kapatawaran sa Allah ng isang daang beses sa isang araw.

Zaker copied