“Kapag sumapit ang Propeta ص sa Bundok ng Safa, ay kanyang binabanggit ang: “INNAS SAFA WAL MARWATA MIN SHA-‘A-IRILLA-HI. ABDA’U BIMA BADA’ALLA-HU BIHI.” (Katotohanan ang bundok ng Safa at Marwah ay iilan sa mga palatandaan ng Allah. Ako ay nag-umpisa kung paano inumpisahan ng Allah.) Inumpisahan niya (ng Propeta ص ang Sa’iy) sa Bundok ng Marwah, inakyat niya ito hanggang sa matanaw niya ang Ka’abah (Bahay). At humarap siya sa Kiblah na paulit-ulit na binabanggit ang salitang: “LA ILA-HA ILLA-LLA-HU ALLA-HU AKBAR (Walang diyos [na karapat-dapat sambahin] maliban sa Allah, At ang Allah ay Dakila.” “LA ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU LA-SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WA LAHUL ‘HAMDU WA HUWA ‘ALA KULLI SHAY-IN QADEER. LA ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU, ANJAZA WA’HDAHU, WA NASARA ‘ABDAHU, WA ‘HAZAMAL A’HZA-BA WAHDAH.” “Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah’ ng nag-iisa’t walang katambal, Sa Kanyang pagmamay-ari ang pamamahala at kapurihan, At Siya’y may kakayahan sa lahat ng bagay. Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah ng nag-iisa. Tinutupad Niya ang Kanyang pangako at tinulungan ang Kanyang Alipin at Siya lamang ay tinalo Niya ang kompederasyon (Liga o Lapian ng mga Quraish at mga Mushrikeen).” Pagkatapos ay mananalangin siya ayon sa kanyang gustong sabihin sa Allah . Inu-ulit niya ito ng tatlong beses. Ang ginawa niya sa Bundok ng Marwah ay kanya ring ginawa sa Bundok ng Safa.