Sinabi ng Sugo ng Allah ص : “Hindi kayo makakapasok sa Paraiso hangga’t hindi kayo maniwala, at hindi kayo makapaniwala hangga’t hindi kayo magmahalan sa isa’t-isa. Gusto ninyong sabihin ko sa inyo ang bagay na kung ito’y inyong gawin, kayo’y magmamahalan sa isa’t-isa? Ipaabot ang pagbati ng Salam (Kapayapaan) sa pagitan ng bawat isa sa inyo.”
Mayroong tatlong bagay na sinuman ang pagsamahin ito ay nakapag-ipon siya ng “Iman“ [Pananampalataya]: Maging makatarungan sa sarili, ipaabot ang pagbati ng Salam (Kapayapaan) sa lahat ng tao at ang gumugol (para sa kawanggawa) mula sa maliit na halagang nasa iyo.”
Naiulat ni Abdullah bin ,Umar [radiallahu’anhu] Ano ang pinakamabuting gawain ng Islam? Kanyang sinabi ang magpakain sa iba at ipaabot ang Salam (Kapayapaan) sa sinumang kakilala mo at sa sinumang hindi mo kilala.”