Mga kahalagahan ng pagpapadala ng “Salawat” para sa Propeta ص .

1

Sinabi ng Propeta ص : “Sinumang magpadala sa akin ng isang Salawat (panalangin sa Allah) ay padadalhan na rin siya ng Allah  ng sampung beses.”

2

Sinabi ng Propeta ص : Huwag gawin ang aking libingan na pook ng pagdiriwang subalit ipanalangin ako sa Allah dahil ang inyong panalangin (para sa akin) ay makakarating sa akin saan man kayo naroroon.”

3

Sinabi ng Propeta ص : Ang kahabag-habag ay yaong nabanggit ako sa kanyang harapan at hindi nagpadala para sa akin ng (panalangin ng) pagpapala.

4

Sinabi ng Propeta ص : Katunayan ang Allah  ay mayroong mga Anghel na nililibot ang daigdig at ipinaparating sa akin ang mga pagbati (o mga panalangin ng kapayapaan) ng aking mga tauhan (Ummah).

5

Sinabi ng Propeta ص : “Walang sinumang nagpadala ng pagbati (o panalangin ng kapayapaan) para sa akin maliban sa ibinabalik sa akin ng Allah  ang aking kaluluwa para maibalik ko sa kanya ang pagbati niya sa akin.”

Zaker copied