Sa bawat matataas na lugar ay banggitin mo ang “ALLA-HU AKBAR (Ang Allah ay Dakila) ng tatlong beses, at pagkatapos ay isaulo ito: “LA-ILA-HA ILLALLA-HU WA’HDAHU LA SHARI-KALAHU, LAHUL MULKO WA LAHUL ‘HAMDU, WA HUWA ‘ALA KOLLI SHAY-IN QADEER. A-YEBUNA, TA-IBUNA, ‘A-BIDUNA, LIRABBINA ‘HA-MIDUNA, SADAQALLA-HU WA’ADAHU, WA NASARA ‘ABDA, WA HAZAMAL A’HZA-BA WA’HDAH. “Walang diyos (na karapat-dapat sambahin) maliban sa Allah ng nag-iisa, walang katambal, sa Kanya ang Kamahalan at Siya ang Kapurian at Siya ay may kakayahan sa lahat ng bagay. Kami’y bumalik ng nagsisisi, sumasamba at pinupuri ang aming Panginoon. Tinupad ng Allah ang Kanyang pangako at tinulungan ang Kanyang Alipin at Siyang nag-iisa ay tinalo Niya ang kompederasyon (Liga o Lapian ng mga Quraish at mga Mushrikeen).”