Panalangin sa panahon ng pagkagising.

1

“AL’HAMDULILLA-HIL LA’THEE A’HYAANA BA-‘DA MA-AMA-TANA WAILAYHIN NUSHUR.” “Ang lahat ng pagpupuri ay para sa Allah na Siya ang nagbigay sa atin ng buhay pagkatapos (Niyang) kunin sa atin at sa Kanya ang pagkabuhay na muli.” Sinabi ng Propeta ص : “Ang sinuman ang magising sa gabi at pagkatapos banggitin ang:

2

“AL’HAMDULILLA-HIL LLA’THEE ‘A-FEENI FEE JASADI WARADDA ‘ALAYYA RU-HI WA-A’THENALI BE-‘THEKRIHE” “Ang lahat ng pagpupuri ay para sa Allah na Siya ang nagsauli sa aking kalusugan at ibinalik ang aking kaluluwa at pinahintulutan akong Siya’y gunitain.”

3

“LA-ILA-LAHA ILLALLAHO WA’HDAHO LA-SHARI-KALAHO LAHUL MULKO WALAHUL ‘HAMDU, WAHUWA ‘ALA-KOLLI SHAY-IN QADEER. SUB’HA-NALLAAHI WAL’HAMDULILLAHI, WALA-ILA-HA ILLALLAHU, WALLAHU AKBARO, WALA-‘HAWLA WALA QUWWATA ILLA BILLAHIL ‘ALIYYUL ‘ATHEEMI RABBI’G FIRLE.” “Walang karapat-dapat na sambahin maliban sa Allah ng nag-iisa at walang katambal, Sa Kanyang pagmamay-ari ang Pamamahala at Kapurihan at Siya ang may kakayahan sa lahat ng bagay, at ang lahat ng pagpupuri ay para sa Allah, at walang karapat-dapat sambahin maliban sa Allah. Ang Allah ay Dakila at walang kapangyarihan o lakas maliban sa Allah, ang Mataas, Ang Supremo. (at pagkatapos magpanalangin) “O aking Panginoon, patawarin Mo ako.”

4

“Katotohanan! Sa pagkakalikha sa mga kalangitan at kalupaan, at sa paghahalinhinan ng gabi at araw, tunay na mga palatandaan para sa mga (taong) may pang-unawa. (191) Silang mga (taong) gumugunita (o pumupuri) sa Allah (tuwi-tuwina at nananalangin na) nakatayo, nakaupo, patagilid na nakahiga. At minumuni-muni ang (mga kahanga-hangang) pagkakalikha sa mga kalangitan at kalupaan (at sinasabi): “Aming Panginoon! Hindi Mo nilikha ang (lahat ng) mga ito na walang saysay, sa Iyo ang kawulhatian! (O Allah) Iligtas Mo kami mula sa kaparusahan ng Apoy. (192) “Panginoon namin! Katotohanan, ang sinumang Iyong inilagay sa Apoy ay tunay na siya’y binigyan Mo ng kahihiyan; at (kailanman) ang mga ‘thaalimun (mga politiesta at ang mga gumagawa ng mga kamalian) ay walang makakatulong. (193) “Panginoon namin! Katotohanan narinig namin ang panawagan ng isang nananawagan sa Pananampalataya; “Maniwala sa inyong Panginoon”, at kami ay naniwala. Panginoon namin! Patawarin Mo kami sa aming mga pagkakasala, At pawiin ang aming mga pagkakamali at bawian mo kami ng buhay (sa katayuang pagka-makatarungan) kasama sa mga kasamahan ng mga Al-Abrar (ang mga nananampalataya sa Pagka-iisa ng Allah swt, ang mga banal at makatarungan). (194) “Panginoon namin! Ipagkaloob sa amin ang Iyong naipangako sa amin sa pamamagitan ng Iyong mga Sugo at huwag Mo kaming ilagay sa kadustaan sa Araw ng Pagbabangong-Muli, At kailanman Ikaw ay hindi tumalikod sa (Iyong) pangako. (195) At dininig sila (sa kanilang mga panalangin at tinugunan ito) ng kanilang Panginoon. (At sinabi ng kanilang Panginoon) “Kailanma’y hindi mapapapayagang mawala ang nagawa ng sinuman sa inyo, maging siya man ay lalaki o babae. Kayo ay (magkakasama) sa isa’t isa, At yaong mga lumikas at ipinagtabuyan sa kanilang mga tahanan, at dumanas ng kapinsalaan dahil sa Aking landas, at nakipaglaban at napatay ay papawiin Ko sa kanila ang kanilang pagkakasala, at papasukin sila sa Harden na sa ilalim nito ay dumadaloy na mga batis (ng Paraiso); bilang gantimpala mula sa Allah, at nasa Allah ang pinaka-mabuting gantimpala. (196) Huwag kang palinlang ng dahil sa mga karangyaan (at kasaganaan) ng mga (taong) walang-paniniwala sa kanilang paglabas at pagpasok sa (iba’t ibang) bayan. (197) Napakaikling kasiyahan lamang; pagkatapos, Impiyerno ang kanilang hantungan. At kay samang kasasadlakan. (198) Subalit, yaong may taqwa, mapapasakanila ang Harden na nasa ilalim nito ay mga batis na dumadaloy. Mananatili sila roon bilang isang (magandang) hantungan mula sa Allah. At higit na mahusay ang anumang (gantimpalang) nasa Allah (bilang parangal) sa mga matutuwid. (199) At katotohanan mayroon sa mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) na tunay na naniniwala sa Allah, at sa (mga) ipinahayag sa inyo, at sa mga ipinahayag sa kanila ng may takot at pagpapakumbaba sa Allah. Hindi nila ipinagpalit ang mga Tanda ng Allah sa maliit na halaga! Sa mga yaon ay mapasa kanila ang gantimpala mula sa kanilang Panginoon, Katotohanan, mabilis ang Allah sa paglilitis. (200) O kayong mga mananampalataya! Magtiis (sa mga kahirapang dinaranas ninyo) at maging matiyaga (kaysa sa inyong kaaway), at maging matiisin (kaysa sa inyong mga kaaway), at Rabitu (manatili sa pook-bantayan upang sugpuin ang anumang pananalakay ng kaaway); At magkaroon ng (Taqwa) pagkamatakutin sa Allah upang kayo ay magtagumpay.

Zaker copied